
Ang pakikipag-relasyon ay di pinaplano.
Kusa lamang itong darating at hindi kailangan hagilapin. Kung OA ka sa paghahanap, mas lalo itong maging mailap.
Hindi uubra ang pagiging SMART. Dapat keri lang at go with the flow.
Sa dami-dami ng mga bumabaluktot ngayon at nagkukulay rainbow, malamang kahit isa man lang, may matatalisod ka. Kung tingin mo, type mo, e di gow! Kapit, wag matakot! Kung tingin mo, type ka rin, mas lalong gow! Then you both start from there. Dapat same page, para sabay ang basa. Build it from there 'baga. Expectations kept at a minimum. Kung pupuwede, none at all.
Kung malas ang pangalan mo at one-way street lang pala, gow pa rin. But this time, gow the OTHER way. Sa madaling sabi, teh let gow. Sabi ko nga sa old post ko (at mantra ko na rin), the way to grow is to let go! Wag pilitin ang ayaw. Kasi didikit lang.
Ngayon kung medyo hirap ka sa lecheng letting go na yan, e di i-baby mo muna yang emo feeling na yan. Malay mo matrip-an mo pala. Maging santa santita ka pa ng mga sawi at bigo. Titulo yun. At least!
Kung ika'y sinwerte naman at konting antayan lang, dumating agad si Godot, naku be happy and gay! Magpasalamat ka bonggaciously! Pahalagahan ang dumating. Wag na maraming issues. Concentrate at palaguin ang pagsasama.
Warning though!
Hindi lahat po, puro saya, kilig at libog. Meron ding pagkabagot, pagkainis at pagkadismaya. Minsan nga pagkamuhi pa. Pero kung na decide mo na worth keeping sya, kever lang di ba? Lahat naman may katapusan. Kung lilipas ang kilig at libog. Malamang lilipas din ang pagkamuhi at pagkabagot.
Ang mahalaga ma appreciate mo kahit may konting kulang (o minsan, sobra) sa kanya. Isipin mo rin, baka ikaw may kulang (o sobra) din sa pananaw nya.
Basta ganun lang.
Kung nagkaka migraine ka na sa kakaisip ng mga bagay-bagay, e di STOP! Pag bored ka na sa STOP, mag yellow ka lang sandali. Tapos GO na ulit.
Ang relasyon ay parang isang traffic light lamang.
Touch & Go. Stop & Go.